Monday, March 8, 2010

Checkpoint

Hindi maaring hindi ka dadaan dito sa lugar na ito kung
pupunta ka sa Cavite City.(not unless dadaan ka sa dagat
by boat or ferry). Ito ang una mong makikita pagpasok mo
at pagdating mo sa Cavite City.

Marami ng pagbabagong naganap sa lugar na ito, partikular
na ang arkong nagsasabing : "Welcome to Cavite City!".
Narito ang ilang larawan na nahanap ko sa Net, na
nagpapakita ng mga pagbabago naganap sa lugar na tinatawag
na "Checkpoint".


Circa: 1960's. Photo by: Bill fabianic ( http://www.pbase.com/wfabianic/cavite )


Circa: 1978 Photo from: http://cofradiadelasoledad.multiply.com


Checkpoint 2007 : Photo from http://hablachabacano.blogspot.com


Checkpoint 2009 - HEROES ARCH -
Photo from: Aviso Newsletter June2009 and
http://cavitecitylibrary.home.ph.istemp.com/index.html

Located at: Dalahican, Cavite City
(Besides Cavite Medical Center and Aloha Hotel)

Sa mga pinagkuhanan ng larawan, Maraming Salamat at Mabuhay ang
Ciudad ng Cavite!

Friday, March 5, 2010

Reyna ng Cavite

Bawat isa sa Cavitenyo ay may natatanging kwento
tungkol sa himala o pag gabay sa kanila ng
Soledad ng Porta Vaga. Kahit ako, naniniwala ako,
dahil ako mismo nakaramdam ng pag gabay nya.
Simula noon, naging deboto na ako ng Soledad.
Sa tuwing nag sisimba ako, hindi maaring hindi
ako dadaan sa Kanya para humalik at humingi ng
pasasalamat o gabay.

Narito ang ilang mga larawan ng Mahal na Birhen
ng Porta Vaga na galing sa Internet. Isang maliit
na "tribute" ko para sa kanya dahil sa hindi Nya
pagsawang pag gabay sa akin at sa aking pamilya.
Maraming Salamat po Mahal na Birhen Ng Porta Vaga.






Galing dito ang larawan: http://soledaddeportavaga.blogspot.com


Galing dito ang larawan: http://chabacanos.cavite.us



Mag post pa uli ako ng iba pang larawan ng Soledad sa ibang araw.

Yung mga ibang larawan na walang nakalagay kung saan galing
ay nakuha lang sa pag search sa Google.
Kung sino man ang may-ari ng mga nasabing larawan ay paumanhin
at hindi nailagay kung saan nanggaling at maraming salamat.

Himno ng Lungsod ng Cavite

Nung isang araw, bandang alas-5 ng hapon, napadaan ako
sa tapat ng Manuel Rojas Elementary School. Flag ceremony,
napakinggan ko uli ang kantang "Himno ng Lungsod ng Cavite".
Natatandaan ko, nung grade school ako sa Manuel Rojas, kinakanta
ko yan tuwing flag ceremony.

Ngayon, nag hanap ako ng lyrics nito, at nalaman
ko na may Chabacano version na pala ang kantang ito.
I-post ko ngayon yung lyrics/titik ng kanta:

Himno ng Lungsod ng Cavite
By: Hon. Dominador D. Hugo
(Music and Lyrics)

Ang lungsod kong pinagmulan
Ay dakila sa Silangan
Ito ay pugad ng mga bayaning kay rangal
Nangasawi sa gitna ng karimlan.

Lungsod Cavite, Kami ay narito
Magtatanggol sa dakilang ngalan Mo
Sa gitna ng lungkot at madlang saya
Kaming lahat ay sama-sama.

Lungsod Cavite na aming mahal
Ikaw'y ligaya nitong buhay
Lungsod Cavite na aming sinta
Ikaw'y mabuhay sa t'wi-t'wina.


Chabacano Lyrics


Himno del Ciudad de Cavite
-Dr. Enrique R. Escalante

El ciudad donde yo ya naci
Muchos hijos qui ya muri
No mas ya pudi ilos sufri que ta haci
Masque el vida no bale mas pirdi.

Ciudad Cavite, ta'qui todos nisos
Para el otro ta pudi sabi
Na todo'l tiempo, na todo'l occasion
Siempre junto nisos de aqui.

Ciudad Cavite, el inspiracion
Di niso vida y corazon
Ciudad Cavite, hasta qui muri
Ta dali gracias nisos aqui.


Sa kantang ito ko nga pala kinuha ang title ng blog:
Ang lungsod kong pinagmulan...
El ciudad donde yo ya naci...

Muchos Gracias!

Lungsod ng Cavite

Cavite City, Ciudad de Cavite, Lungsod ng Cavite...

Ang lungsod kong pinagmulan - El ciudad donde yo ya naci -
The city where i come from.

Dito ako nakatira mula pagsilang hanggang ngayon.
Pero sa totoo lang, kahit taga-rito ako, hindi ko napapansin
ang ganda ng lungsod at ang kasaysayan na taglay nito.
Kailan na lang ako naging interesado sa mga bagay na
maaring ibigay o ituro sa akin ng lungsod:
Ang kasaysayan, ang lugar, at ang salitang "Chabacano".

Kaya samahan nyo ako at muli nating tuklasin and
ganda at kasaysayan ng ating lungsod...
Ang lungsod kong pinagmulan.. Ang Lungsod ng Cavite!


Aqui este el blog...