Friday, March 5, 2010

Himno ng Lungsod ng Cavite

Nung isang araw, bandang alas-5 ng hapon, napadaan ako
sa tapat ng Manuel Rojas Elementary School. Flag ceremony,
napakinggan ko uli ang kantang "Himno ng Lungsod ng Cavite".
Natatandaan ko, nung grade school ako sa Manuel Rojas, kinakanta
ko yan tuwing flag ceremony.

Ngayon, nag hanap ako ng lyrics nito, at nalaman
ko na may Chabacano version na pala ang kantang ito.
I-post ko ngayon yung lyrics/titik ng kanta:

Himno ng Lungsod ng Cavite
By: Hon. Dominador D. Hugo
(Music and Lyrics)

Ang lungsod kong pinagmulan
Ay dakila sa Silangan
Ito ay pugad ng mga bayaning kay rangal
Nangasawi sa gitna ng karimlan.

Lungsod Cavite, Kami ay narito
Magtatanggol sa dakilang ngalan Mo
Sa gitna ng lungkot at madlang saya
Kaming lahat ay sama-sama.

Lungsod Cavite na aming mahal
Ikaw'y ligaya nitong buhay
Lungsod Cavite na aming sinta
Ikaw'y mabuhay sa t'wi-t'wina.


Chabacano Lyrics


Himno del Ciudad de Cavite
-Dr. Enrique R. Escalante

El ciudad donde yo ya naci
Muchos hijos qui ya muri
No mas ya pudi ilos sufri que ta haci
Masque el vida no bale mas pirdi.

Ciudad Cavite, ta'qui todos nisos
Para el otro ta pudi sabi
Na todo'l tiempo, na todo'l occasion
Siempre junto nisos de aqui.

Ciudad Cavite, el inspiracion
Di niso vida y corazon
Ciudad Cavite, hasta qui muri
Ta dali gracias nisos aqui.


Sa kantang ito ko nga pala kinuha ang title ng blog:
Ang lungsod kong pinagmulan...
El ciudad donde yo ya naci...

Muchos Gracias!

No comments: